Add parallel Print Page Options

17 Nang makita nila si Jesus, sinamba nila siya. Ngunit ang iba sa kanila ay nag-alinlangan. 18 At lumapit si Jesus at nagsalita sa kanila, na sinasabi: Lahat ng kapamahalaan ay ibinigay sa akin sa langit at sa lupa. 19 Humayo nga kayo. Gawin ninyong alagad ang lahat ng mga bansa, inyong bawtismuhan sila sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Banal na Espiritu.

Read full chapter