Levitico 17:4-6
Ang Biblia (1978)
4 At hindi dinala sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan, upang ihandog na pinaka alay sa Panginoon, sa harap ng tabernakulo ng Panginoon: ay dugo ang ipararatang sa taong yaon; siya'y nagbubo ng dugo; (A)at ang taong yaon: ay ihihiwalay sa kaniyang bayan:
5 Upang ang mga anak ni Israel ay magdala ng kanilang mga hain, na inihahain sa kalawakan ng parang, sa makatuwid baga'y upang kanilang dalhin sa Panginoon, sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan, sa saserdote, at ihain sa Panginoon na mga pinaka handog tungkol sa kapayapaan.
6 At (B)iwiwisik ng saserdote ang dugo sa ibabaw ng dambana ng Panginoon, sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan, at susunugin ang taba na pinakamasarap na amoy sa Panginoon.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978