Add parallel Print Page Options

14 Ipinagdaramdam ng aking puso ang inyong mga bagong buwan at ang inyong mga takdang kapistahan: mga kabagabagan sa akin; ako'y patá ng pagdadala ng mga yaon.

15 At pagka inyong iginagawad ang inyong mga kamay, aking (A)ikukubli ang aking mga mata sa inyo: oo, pagka kayo'y nagsisidalangin ng marami, hindi ko kayo didinggin: ang inyong mga kamay ay puno ng dugo.

16 Mangaghugas kayo, mangaglinis kayo; alisin ninyo ang kasamaan ng inyong mga gawa sa harap ng aking mga mata; mangaglikat kayo ng paggawa ng kasamaan:

Read full chapter