Font Size
Exodo 39:4-6
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Exodo 39:4-6
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
4 Ang efod ay kinabitan nila ng malapad na tali na siyang nagdudugtong sa likod at harap. 5 Kinabitan din nila ito ng isang magandang sinturong kamukha ng efod na yari rin sa mainam na lino, at lanang kulay asul, kulay ube at pula at binurdahan din ng mga hibla ng ginto tulad ng iniutos ni Yahweh. 6 Kumuha sila ng mga batong kornalina at iniayos ito sa patungang ginto. Iniukit nila dito ang pangalan ng mga anak na lalaki ni Israel. Nang mayari, para itong isang magandang pantatak.
Read full chapter