Font Size
Exodo 3:7-9
Ang Biblia (1978)
Exodo 3:7-9
Ang Biblia (1978)
7 At sinabi ng Panginoon, (A)Akin ngang nakita ang kadalamhatian ng aking bayan na nasa Egipto, at aking dininig ang kanilang daing dahil sa mga tagapagpaatag sa kanila; sapagka't talastas ko ang kanilang kapanglawan.
8 At ako'y bumaba upang (B)iligtas sila sa kamay ng mga Egipcio at upang sila'y isampa sa isang mabuting (C)lupain at malawak, mula sa lupaing yaon, sa isang lupaing (D)binubukalan ng gatas at pulot (E)sa dako ng Cananeo, at ng Hetheo, at ng Amorrheo, at ng Pherezeo, at ng Heveo at ng Jebuseo.
9 (F)At ngayon narito, ang daing ng mga anak ni Israel ay umabot sa akin; saka aking nakita ang kapighatian na ipinipighati sa kanila ng mga Egipcio.
Read full chapter
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978