Font Size
Exodo 23:31-33
Magandang Balita Biblia
Exodo 23:31-33
Magandang Balita Biblia
31 Ang magiging hangganan ng inyong lupain ay mula sa Dagat na Pula[a] hanggang sa Dagat Mediteraneo, at mula sa ilang hanggang sa Ilog Eufrates. Ipapalupig ko sa inyo ang mga tagaroon at sila'y inyong palalayasin. 32 Huwag kayong makikipagtipan sa kanila o sa kanilang mga diyus-diyosan. 33 Huwag ninyo silang patitirahing kasama ninyo sa lupaing sasakupin ninyo, at baka mahikayat nila kayong magkasala sa akin. Kapag pinaglingkuran ninyo ang kanilang mga diyus-diyosan, iyon ang magiging simula ng inyong kapahamakan.”
Read full chapterFootnotes
- Exodo 23:31 Dagat na Pula: o kaya'y Dagat ng mga Tambo .
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.