Font Size
Apocalipsis 5:5-7
Ang Biblia, 2001
Apocalipsis 5:5-7
Ang Biblia, 2001
5 At(A) sinabi sa akin ng isa sa matatanda, “Huwag kang umiyak. Tingnan mo, ang Leon sa lipi ni Juda, ang Ugat ni David, ay nagtagumpay upang mabuksan niya ang aklat at ang pitong tatak nito.”
6 Pagkatapos(B) ay nakita ko sa gitna ng trono at ng apat na nilalang na buháy at sa gitna ng matatanda ang isang Korderong nakatayo, na tulad sa isang pinaslang, na may pitong sungay at pitong mata na siyang pitong Espiritu ng Diyos, na sinugo sa buong daigdig.
7 Siya'y lumapit, at kinuha ang aklat sa kanang kamay ng nakaluklok sa trono.
Read full chapter